5/25/10

The NOYBI Administration and the Unity that We Deserve

By Manuel Rodriguez II

It’s Time to Stand as One Nation

The Ballots and the PCOS have spoken, we already know who are our new representatives in the Congress and the “Magic 12” Senators (most of them are old faces in politics), and most of all we are now looking forward to what is in store for our nation for the next six years under the leadership of the “NoyBi” administration.

Many of our fellowmen are upset because their bet candidate did not make it. However, all of us Filipinos must face the fact that we have no choice but to accept the new administration because they were the ones voted by the majority. We should respect the democratic institution that we have, we must all be reminded that the democracy that we currently have is a gift.

It is a gift from our heroic forefathers, to the men and women of the past that gallantly responded to crisis, to those who have stood to what they have believed in, to the Filipinos of the past who fought for what they felt was right even in the face of grave danger.

It is also a gift from the revered morally upright statesmen who stood against tyranny under the dark ages of martial rule. To the men, women and children who fought in behalf of the generations to come at EDSA even with fears and reservations in their hearts.

Ultimately, it is a gift from the Omnipotent Being. He who gave us the piece of earth where we could nurture our children and our children’s children. The piece of earth that we must nurture and love. The piece of earth that we must defend from conquerors, insurgents and from the evil in us. The piece of earth where we could practice our faith. The piece of earth we call our Motherland. The piece of earth we named Philippines.

With the new administration, I hope our people will start believing in the rule of law, in the inviolability of their human rights, in the forecast of a better living not just for themselves but for the generation that is to come and in the great chance of lasting peace based on equity and justice.

Majority of the newly elected leaders were not in my ballot, but I acknowledge the fact that I must submit myself to them because I believe that an administration needed a support from a citizen that is open for change when change is being called for.

Our immediate task should start with ourselves. I call my fellow Filipinos to directly participate in and contribute to the betterment of the society. All citizens have a responsibility regardless of economic status, gender, religion, age or even political belief.

We must inculcate to the minds of our fellow Filipinos especially the next generation that this time their Government will do right by them and will serve them with competence, dedication and integrity.

Our democratic society is a market place of ideas. The growth in knowledge happens when two ideas collide and produce a new key idea. We should and must respect the diverse political beliefs we have. Conflicting ideas may be a catalyst of a headache-starter debate, but it is a factor that makes our nation moves forward, it is the essence of democracy where every person is entitled to believe what he wants and vote who he wants.

While some of us did not vote for Senator Aquino and Mayor Binay (that includes me), we must not fret for our vote as an individual was never in vain.
We debated with our friends and supported our respective candidates; on that act alone we contributed something to the advancement of this nation. We contributed to the so-called marketplace of ideas, a proof that we care for the elections and its effect to our future as a Nation.

Now is a fresh start for our Nation. This is not a time to criticize the capacity of our newly elected leaders instead it is a time to hope for a better tomorrow under their watch. This does not mean that we must no longer be watchful on their way of handling our State in fact more than ever this is the time that we should.

The Nation can no longer afford anymore betrayal of public trust, corruption, dishonesty and immorality. These things we should shun and never let happen again.
We must offer and venture a sense of purpose and direction, not only to the “NoyBi” administration, but ultimately to the majority of our fellowmen who have less in this earthly life. Their overwhelming number tells us that poverty is a disease that must be cured. It is a disease of our own doing and the cure is also in our hands.
May the new administration headed by Benigno Aquino III and Jejomar Binay remedy the injustices and right the wrongs the past governments have committed.

God bless the Filipino people. May this new morning mark the start of Philippine renaissance.


MANILA, 2010

5/15/10

Mayo 10: Nasaksihan Kung Babuyin ang Batas at Gahasain si Inang Hustisya


Sabi sa Media, ang eleksyon na naganap nuong nakaraang Mayo 10 ay ang pinaka-matagumpay na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa mata ng mga camera ng media nakita ng buong Pilipinas ang mga pangyayari sa ibang presinto ng pagboto at ang paraan ng pagsasagawa ng eleksyon. Marahil marami sa ating mga kababayan ay sang-ayon sa pahayag na iyon nga ang pinaka-matagumpay na naging halalan sa bansa sapagkat iyon ang pinakita sa kanila ng kani-kanilang mga telebisyon at pinarinig ng kani-kanilang mga radyo noong araw ng Mayo 10.

Maaring totoo nga ang mga iyon sa kabuuang perspektibo o kung ang iyong basehan ay ang eleksyon sa kabuuang bansa. Pero ang tagumpay na kanilang nakita nung araw ng Mayo 10 ay hindi ko nasaksihan sa aking kinalalagyan nuong araw na iyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon naranasan ko ang maging isang tagabantay ng boto, hindi para sa isang kandidato kundi para sa isang malinis na halalan. Sumapi ako sa isang grupo ng mga abogado at kapwa ko estudyante ng abogasya para maging “paralegal” sa araw ng halalan at magbantay kung tama ang pag-gamit sa sistema ng eleksyon. Marami ang nagtaka bakit ako at ang aking mga kaibigan ay sumapi sa grupo na iyon sapagkat napakaraming malalaking partido ang lumiligaw sa mga kapwa namin “paralegals” para sumapi sa kanila kapalit ng masasabi nating mgandang bayad.

Oo, tumanggi kami na magtrabaho sa isang partido sapagkat alam namin na hindi lahat ng kanilang kandidato ay aming pinaniniwalaan at siyang magiging laman ng aming balota. Masaya ako at ang aking mga kaibigan kahit nagtrabaho kami bilang mga “paralegal” ng walang bayad kundi salamat nuong araw ng Mayo 10 dahil napatunayan namin sa aming mga sarili na mahal nga namin ang Pilipinas at hindi pala kaya mabili ang pagmamahal na iyon at ang aming prinsipyo.

Mayo 10, nadestino ako at isa sa aking kaibigan sa isang “public school” na ‘di kalayuan sa aking tirahan. Marami sa mga botante sa eskwela na iyon ay personal ko na ka-kilala, doon din ang presinto ng aming barangay kaya ako din na isang “election watchdog volunteer” ay nagawa parin na makaboto.

At doon ay aking nasaksihan na garapalang binababoy ang sistema ng halalan. Ayon sa batas, bawal ang ano mang paraan ng kampanya sa loob ng “30 meters radius” mula sa presinto ng halalan. Pero sa araw na iyon, tila nagmistulang basurang dokyumento ang batas. Mismong mga opisyal ng barangay ang siyang nangunguna sa pagsuway at pagbalewala sa batas pang-eleksyon. Isang Punongbarangay ang nasaksihan ng aking kasama na bumubulong sa isang botante kung sino ang dapat iboto sa loob mismo ng presinto habang hawak ng botante ang kanyang mismong balota. Mga kagawad ng barangay ang siyang nabansagan na “bulong gang” dahil sa kanilang pag bulong ng pangalan ng pinapaborang kandidato sa mismong “gate” ng eskwelahan.

Isa muling Punongbarangay ang siya mismong nag “set-up” ng tolda na may pangalan at kulay ng mga kandidato sa mismong tabi ng eskwelahan, isang malinaw na pag gawa ng krimen ng “unlawful electioneering” na siyang may kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas na pang-eleksyon. Balibalitaang bentahan ng kanilang mga boto, pagtanggap ng regalo mula sa kandidato at garapalang pag alok ng libreng sakay sa jeep ng isang tumatakbo sa pagka-mayor. Isa ring kandidato sa pagka-konsehal ay namataang umaaligid sa tapat ng eskwelahan at suot ang kanyang “trademark” na “campaign get-up.” Ang mga guro na nagtatrabaho sa eleksyon ay siya mismong may hawak ng “parphernalia” ni congressman. Mga armadong pulis na nakapaligid sa presinto ng pagboto na di lalayo ng “50 meters radius” na siyang pinagbabawal ng batas.

Lahat ng aming nasaksihan ay aming sinita sa ngalan ng aming pagiging “paralegal” na kinikilala ng mismong COMELEC. Ngunit kami ay nagmistula lamang propeta na walang nakikinig. Insulto ang aming naramdaman ng sa aming mismong harapan ay ginagahasa si inang hustisya at ang batas ng eleskyon.

Sa aming paaralang pang-abogasya itinuro sa amin an walang sinuman ang mas nakatataas sa batas at dapat itong sundin ng lahat ng mamamayan sa bansa. Sa presintong aming kinalagyan, itinuro ng tadhana sa amin na ang natutunan naming mga batas sa eskwela ay maaaring maging basahang papel sa araw na ang nais ng mga pulitiko ay makamtan ang ninanais na pwesto.

Nakakalungkot isipin para sa isang “paralegal” na siyang may pagmamahal sa konstitusyon at mga batas ay walang magawa sa nangyayari dahil sa dami ng gumagawa ng pambababoy na iyon sa kanyang paligid. Hindi namin makuha humingi ng tulong sa mga opisyal sa aming paligid sapagkat sila mismo ay marumi ang kamay at may pabor sa isang pulitiko na maaring nagbigay palaman sa kanilang bulsa.

Paano natin masasabi na ang isang halalan ay bagong simula para sa ating bansa kung ang paraan ng halalan ay madumi? Paano tayo magtitiwala sa isang naluklok na mambabatas kung ang kanyang pagkapanalo ay bunga ng pandaraya sa batas? Paano tayo uunlad kung tayo mismo ay hindi makasunod ang simpleng patakaran inilatag sa atin?
Nakakalungkot isipin pero ang tagumpay ng Mayo 10 ay hindi nasaksihan ng aking mata.

Mapayapa nga ba ang eleksyon? Sabi nila oo, dahil hindi ganoon karami ang nasawi at nasaktan gaya ng dati. Sa presinto na aking pinagtrabahuhan, wala din namang taong nasaktan. Ang tanging nasaktan lamang ay si Inang Hustisya na sa harapan ko mismo ay ginahasa ng taongbayan para lamang sa panandaliang pang-laman ng tiyan.

Mayo 10, namatay ang batas sa aking mga mata. Nawa ay sa bukas o makalawa makita ko siyang bumangon muli at husgahan ang tiwali.
My photo
Professor of "The Humanities" at the Lyceum of the Philippines University. Law Student at the Far Eastern University, Institute of Law. President and former Auditor of Legal Network for Truthful Elections (UST Chapter) Former Vice President- Internal of Batas Tomasino: The UST Law Society, Former Chairperson of UST-Students' Democratic Party. Former Vice President- Internal of UST UNESCO. Former Public Relations Officer (PRO) of UST Arts and Letters Student Council. Former Vice President Internal of Community Achievers' Association (UST-AB). Bachelor of Arts in Legal Management (University of Santo Tomas, '09) High School Education (Christian Academy of Manila, '05)