10/25/10

Senador Trillanes, Ang Makabagong Bonifacio

Ni Manuel A. Rodriguez II


Giniba ni Antonio Trillanes IV ang kulturang pang eleksyon ng Pilipino noong sya ay kumandidato bilang isang Senador noong 2007. Hindi pinanganak sa isang mayaman o maiplwensyang pulitikal na pamilya, ang kanya lamang nagsilbing alas noong panahon ng kampanya ay ang kanyang pagiging kilala bilang pinuno ng “Oakwood mutiny.”

Suot ang pulang “armbands” na may tatak ng Magdalo, si Sonny Trillanes ay nag mistulang makabagong Bonifacio at rebeldeng may prinsipyong pinaglalaban – ang isabulat ang kanser ng kurapsyon na nagbibigay panganib sa buhay ng mga kapwa niya sundalo. Alam niya ang malaking kaibahan ng Batas sa Hustisya, sinuway man nya ang batas sa pagiging isang rebelde, ito ay para mabigyang daan ang Hustisya na siyang may mas mabigat na importansya.

Taon 2007, hindi man makasabay sa mga makukulay na kampanya ng mga kapwa nya kandidato, si Trillanes ay nagwagi dahil sa mga boto ng mga ordinaryong tao at hindi ng mga elitista at mayayaman. Si “Senador Trillanes” ay likha hindi ng maimpluwensya kundi ng masang Pilipino.

Nakakalunkot isipin ngunit simula ng kanyang pagkapanalo sa halalan ng 2007, ang kanyang opisina sa Senado ay nananatiling bakante dahil sa kanyang pagiging “detainee” sa Camp Crame.

Gayunpaman, hindi napipigilan ng rehas at kunkretong pader ng Camp Crame ang kagustuhan mg mabuting Senador na gampanan ang kanyang tungkulin at huwag biguin ang milyong Pilipino na nagbigay ng suporta.

Kailan lamang ay naglabas si Senador Trillanes ng resolusyon na magsagawa ng hearing ukol sa Memorandum na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulatory Commission (PRC) na nagpapabawal sa mga graduates ng mga State Universities and Colleges na makakuha ng licensure examinations kung ang kanilang paaralan ay hindi naka kuha ng permit mula sa Commission. Maraming public na Unibersidad at Kolehiyo ang nag kwestiyon sa memorandum na ito sapagkat hindi iyon produkto ng konsultasyon sa kanilang pagitan.

Ipit sa kalagitnaan ng debateng ukol sa nasabing Memorandum ay ang libo-libong graduate ng Nursing, Accountancy at Engineering, na syang nangangailangan makakuha ng licensure examination.
Inilabas ng Senador ang resolusyon na magsagawa ng hearing ukol dito sa kanyang kakayahan bilang Chairperson ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.
Pitong taon at tatlong buwan na ang minalagi ng Senador sa kulungan. Sa kabila ng “Oakwood Mutiny,” labing-isang milyon ang bumoto sa kanya para sa Senado.
Kamakailan lamang pinirmahan ni Pangulong Aquino ang “amnesty” ni Senador Trillanes at ng ibang rebeldeng kasangkot sa “Oakwood mutiny.” Oras na lamang ang inaantay ayon kay Senador Sotto para sa kalayaan ng rebeldeng senador.

Magiging maganda sa paningin ng mga tagasuporta na makita nila ang Senador na lumakad palayo sa kanyang kulungan at tumungo sa kanyang opisina sa Senado. Marami na ang oras na nasayang at marami pa ang kanyang dapat gawin.

Mayroon pa siyang kinabukasang dapat bigyang katuparan, pamilyang dapat ipagbuklod muli, at Republikang dapat ipaglaban bilang Senador ng masang Pilipino.
Senador Antonio Trillanes, ang makabagong Gat Andres Bonifacio.
My photo
Professor of "The Humanities" at the Lyceum of the Philippines University. Law Student at the Far Eastern University, Institute of Law. President and former Auditor of Legal Network for Truthful Elections (UST Chapter) Former Vice President- Internal of Batas Tomasino: The UST Law Society, Former Chairperson of UST-Students' Democratic Party. Former Vice President- Internal of UST UNESCO. Former Public Relations Officer (PRO) of UST Arts and Letters Student Council. Former Vice President Internal of Community Achievers' Association (UST-AB). Bachelor of Arts in Legal Management (University of Santo Tomas, '09) High School Education (Christian Academy of Manila, '05)