8/21/10

AKBAY NG KARAMAY




"Akbay ng Karamay"
Paint on canvass, August 20, 2010


Ang mga tauhan sa larawan ay magkaakbay, ito ay nagpapakita ng matibay na samahan sa kabila ng sari-saring pagsubok ng panahon, mundo at ng Maykapal.

Luntian ang piniling kulay ng kapaligiran ng mga tauhan sa larawan, ito ang kulay na sumisimbolo sa temporal na mundo na kapwa nating kinabibilangan. Ang tubig na kulay asul sa ilalim ng mga tauhan ay tanda ng hirap sa bawat paghakbang ng ating bawat paglalakbay sa ibat-ibang kabanata ng buhay ng bawat isa.

Ang araw at mga asul na patak ng ulan ay sumisimbolo sa bawat panahon na susubok sa pagsasama ng dalawang tao, ang mukha ng haring araw ay ginawang may luha tanda ng mga panahon ng poot at kalungkutan.

Ang lumiliyab na puno sa kanang bahagi ay simbolo ng prisensya ng may kapal, ito ay hango sa lumang testamento ng Bibliya kung saan nagpakita ang Panginoon kay Moises sa anyo ng lumiliyab na puno.

Ang kabuuan ng larawan nawa ay maging tanda sa bawat isa na walang tao ang ligtas sa poot, kalungkutan at pagkakadapa. Upang makabangon at makalaban muli, tayo ay magbalikatan upang maitaguyod ang isa at kailangan nating maalala muli ang pag tanglaw sa Diyos at pag tawag sa kanyang pangalan.

No comments:

Post a Comment

My photo
Professor of "The Humanities" at the Lyceum of the Philippines University. Law Student at the Far Eastern University, Institute of Law. President and former Auditor of Legal Network for Truthful Elections (UST Chapter) Former Vice President- Internal of Batas Tomasino: The UST Law Society, Former Chairperson of UST-Students' Democratic Party. Former Vice President- Internal of UST UNESCO. Former Public Relations Officer (PRO) of UST Arts and Letters Student Council. Former Vice President Internal of Community Achievers' Association (UST-AB). Bachelor of Arts in Legal Management (University of Santo Tomas, '09) High School Education (Christian Academy of Manila, '05)